^

Police Metro

Signal man nasapol ng crane, dedbol

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nasapol ang isang binata na nagmamando ng crane matapos na aksidenteng tamaan ito sa pag-ikot sa loob ng isang construction site sa Quezon City.

Ang nasawi ay nakilalang si Richard Cortez, nasa hustong gulang, signal man, at residente ng Brgy. Sta. Cruz sa lungsod.

Nakilala naman ang crane operator na si Reginaldo Vicente, 31, binata ng Brgy. Lupang Pa­ngako.

Batay sa ulat, dakong alas-4:10 ng hapon sa loob ng construction site ng Fisher’s Mall sa Gen.Luis St., kanto ng Roose­velt Avenue, Brgy. Sta. Cruz ay kasalukuyang pinaaandar ni Vicente ang crane habang ang biktima naman ay nakatayo at nagsisilbing taga signal nang biglang tamaan sa pag-ikot ng crane.

Nang bumagsak ang biktima ay isinugod ito sa Quezon City General Hospital, subalit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CRUZ

LUIS ST.

LUPANG PA

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

REGINALDO VICENTE

RICHARD CORTEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with