^

Police Metro

Napagkamalang magnanakaw, napatay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 49-anyos na lalaki ang nasawi nang barilin ng isang negosyante matapos mapagkamalang nagnanakaw ng  panabong na manok kamakalawa ng gabi sa Brgy. 12, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ang biktima na hindi umabot ng buhay sa ospital ay nakilalang si Rogelio Rollorata.

Ang suspek na kinasuhan ng kriminal ay nakila­lang si Jolly Famador alyas Tikwi, 43, breeder ng panabong na manok sa lugar.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi ay sakay ang biktima ng motorsiklo kasama ang dalawang kaibigan nang ito ay makaramdam ng tawag ng kalikasan.

Kaya’t pansamantalang huminto sa tabi ng highway ang motorsiklo habang si Rollorata ay nagkubli naman sa puno malapit sa mga ibinebentang panabong na manok ng suspek.

Nang makita ni Fa­mador si Rollorata ay inakala itong magnanakaw na agad nitong sinita at pinagsisigawan na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa barilin gamit ang homemade shotgun. - Joy Cantos-

 

vuukle comment

AGUSAN

BRGY

CABADBARAN CITY

ISANG

JOLLY FAMADOR

JOY CANTOS

KAYA

ROGELIO ROLLORATA

ROLLORATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with