^

Police Metro

Ari ng pulis tinadyakan ng Kano

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na turistang Amerikano ang inaresto matapos nitong alipustain at hindi pa nakuntento ay tinadyakan ang ari ng isang pulis na nagresponde sa pagwawala nito sa Boracay Island, Malay, Aklan kamakalawa.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Ro­bert Jones na kinasuhan ng direct assault sanhi ng pa­nanakit at pagmumura kay PO1 Gregorio Ventura, 24.

Batay sa ulat, bandang ala-1:25 ng madaling-araw ay humingi ng tulong ang mga staff ng Don Vito Restaurant kay PO1 Ventura dahilan may dalawang dayuhang babaeng lasing sa dalampasigan na hindi makagulapay.

Nagresponde ang nasabing pulis, subalit, duma­ting ang suspek na  nasa impluwensya rin ng alak na pinagmumura at inalipusta ang pulis.

“Fucking police. I’ll kick your ass, you asshole. Police here in the Philippines are nothing. You are a chicken”, sabay tadyak sa ari ng naturang pulis.

Kahit na tinamaan ang ari ay agad na inaresto ni Ventura ang suspek na nagawang makapagpiyansa ng P18,000 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

vuukle comment

AKLAN

AMERIKANO

BATAY

BORACAY ISLAND

DON VITO RESTAURANT

GREGORIO VENTURA

ISANG

KAHIT

VENTURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with