^

Police Metro

Kumpletong ebidensiya vs Napoles handa na

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumpleto na ang ebidensiya na maaaring magamit ng gobyerno laban sa itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.   

Ito ang inihayag ni Senator Alan Peter Cayetano kaugnay sa posilidad na bigyan pa rin ng immunity ng Senado si Napoles sa sandaling humarap ito sa imbestigasyon sa Nobyembre 7.

Idinagdag ni Cayetano na hindi siya pabor na bigyan ng immunity si Napoles dahil wala na rin itong magiging silbi.

Magbibigay aniya ng maling senyales sa iba pang whistleblowers kung bibigyan ng immunity si Napoles.

Pero, papayuhan pa rin umano ni Cayetano si Napoles na sabihin ang lahat ng nalalaman nito sa pagharap sa Senado upang magkaroon ito ng katahimikan.

Hindi dapat humingi ng immunity si Napoles kapalit ng kanyang sasa­bihin sa imbestigasyon dahil hindi ito magiging maganda para sa imahe ng Senado.

CAYETANO

IDINAGDAG

JANET LIM-NAPOLES

KUMPLETO

MAGBIBIGAY

NAPOLES

NOBYEMBRE

SENADO

SENATOR ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with