Flying voters naglipana sa Caloocan
MANILA, Philippines - Inihayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), na higit sa 50 reklamo ng “flying voters†ang nakarating sa kanila buhat sa mga botante at tagasuporta ng ilang mga kandidato sa iba’t ibang polling precincts sa Caloocan City kahapon.
Ilan sa mga ito ay ang Barangay 187-188 na marami sa mga nakarehistro ang hindi makita ang kanilang presinto kaya’t hindi nakaboto, subalit marami rin ang nakaboto kahit wala sa master’s list sa mga presinto dahil sa hinahayaan umano ng mga bantay sa presinto dahil sa kakilala.
Anim na hinihinalang flying voters ang naaresto sa may E. Rodriguez Elementary School sa may 11th Avenue, Caloocan at nahuli sa kanilang poÂsesyon ang mga bitbit na listahan ng kandidatong iboboto at tig-P500 na ibinayad bawat isa.
Dinala sa pulisya ang mga inaresto ngunit pinalaya rin naman matapos na itala lamang sa “police blotter†ang insidente at pagkakakilanlan ng mga ito bilang rekord upang magamit kung sakaling itutuloy ang pagsasampa ng kaso sa mga ito.
- Latest