^

Police Metro

Tricycle binundol ng truck: 1 patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang habang isa pa ang sugatan makaraang bundulin ang sinasakyan nilang tricycle ng isang truck sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ni Senior Insp. Erlito Renegin, hepe  ng Quezon City Police Traffic Sector 3, nakilala ang nasawi na si Ana Viroy, 44, habang su­gatan naman ang driver ng tricycle na si Freddie Gatan, 22, mga residente sa UP Diliman sa lungsod.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng truck na si  Leonard Ladicho, 37, na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless driving resulting to homicide.

Naganap ang insidente  dakong alas-12:25 ng madaling-araw sa kanto ng Carlos P. Garcia at Magiting Street sa Quezon City.

Tinatahak ng truck (LXB-963) ang nasabing lugar patungong Katipunan, habang ang tricycle naman ng mga biktima na nasa likuran ng isang truck na patungong Commonwealth nang bigla umanong mag-overtake kaya sila nabundol.

Dahil sa tindi ng pagkakabundol ay nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Viroy na agad na isinugod sa East Avenue Medical Center, pero idineklara ding dead on arrival ma­kalipas ang ilang oras.

vuukle comment

ANA VIROY

CARLOS P

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERLITO RENEGIN

FREDDIE GATAN

LEONARD LADICHO

MAGITING STREET

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with