^

Police Metro

Erap ’di puwedeng ireprisinta ang Pilipinas - Escudero

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iginiit ni Senador Francis “Chiz” Escudero na hindi maaring katawanin ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang buong bansa at mismong si Pangulong Benigno Aquino III sa plano niyang paghingi ng tawad sa gobyerno ng Hong Kong kaugnay  sa nangyaring hostage crisis sa Quirino Grandstand noong 2010 kung saan ilang Chinese nationals ang namatay.

 Ayon kay Escudero ang maari lamang ikatawan ni Estrada ay ang lungsod ng Maynila dahil siya ang mayor dito pero hindi ang buong bansa at lalong hindi si Aquino.

Pero aminado ang senador na hindi lamang niya alam kung maaring pagbawalan si Estrada sa balak niyang gawin lalo pa’t may kapangyarihan din naman ito bilang mayor ng Maynila.

 Kung may maitutulong aniya ang gagawing hakbang ni Estrada, ay depende pa rin ito sa kung sino ang tatanggap ng resolusyon ng city council ng Maynila.

 Aminado rin si Escudero na hindi naman maitutu­ring na insubordination ang gagawin ni Estrada dahil wala namang batas na nagsasabi ng bawal magpasa ng resolusyon ang isang local government unit kaugnay sa isang isyu na taliwas sa paniniwala ng Pangulo ng bansa.

  “Kung ang tanong mo siguro insubordination ba yon, ang tingin ko ay hindi, may autonomy ang local government units na gawin kung ano yung nais nilang gawin, kabilang ang pagpasa ng resolusyon kaugnay nyan. Wala akong nakikitang pagbabawal na nagsasabing bawal tumaliwas ang opinyon ng isang LGU sa naging stand ng Presidente kaugnay sa isang isyu,” pahayag ni Escudero.

vuukle comment

AMINADO

AQUINO

AYON

HONG KONG

MANILA MAYOR JOSEPH

MAYNILA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

QUIRINO GRANDSTAND

SENADOR FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with