^

Police Metro

People’s Initiative suportado ng mga obispo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pabor ang mga obispo sa isinusulong na People’s Initiative (PI) ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno at ng Movement Against Dynasty o MAD na naglalayong matanggal na ang pork barrel system sa bansa.

Sinabi nina CBCP Permanent Council member Sorsogon Bishop Arturo Bastes at Marbel Bishop Dimualdo Gutierrez  na suportado  nila ang  isinusulong na PI ng dating  punong Mahistrado.

Pinaliwanag ni Bishop Bastes na sinusuportahan  niya ang hakbangin dahil hindi maaasahan ang mga mambabatas na lumikha ng batas na laban sa kanilang interes.

Tiniyak naman ni Bishop Gutierrez na pangungunahan ng kanyang Diocese ang pangangalap ng lagda para tuluyan ng mawala ang anumang uri ng pork barrel.

Nagpahayag din ng suportado si Kabankalan Bishop Patricio Buzon sa anumang hakbang para i-abolish ng tuluyan ang pork barrel.

Itinuturing ni Bishop Buzon na ugat ng corruption, political patronage at political dynasty ang pork barrel funds.

Inihayag naman ni Diocese of San Carlos administrator Fr. Patrick Daniel Parcon ang boses ng mga taga-San Carlos para sa total abolition ng pork barrel.

Nabatid na kinakailangan ang sampung porsiyentong lagda sa kabuuang registered voters o higit kumulang sa lima punto dalawang milyong lagda at 3-porsiyentong lagda bilang mga kinatawan sa bawat legislative district.

 

BISHOP BASTES

BISHOP BUZON

BISHOP GUTIERREZ

DIOCESE OF SAN CARLOS

KABANKALAN BISHOP PATRICIO BUZON

MARBEL BISHOP DIMUALDO GUTIERREZ

MOVEMENT AGAINST DYNASTY

PATRICK DANIEL PARCON

PERMANENT COUNCIL

SAN CARLOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with