Drilon naghain ng resolusyon para ibasura ang PDAF
MANILA, Philippines - Isang resolusyon ang inihain kahapon sa Senado na naglalayong tuluyan nang ibasura ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na pork barrel funds sa pagpasok ng 2014.
Sa Senate Resolution 303 na inihain ni Senator Franklin Drilon sinabi nito na naging malaking isyu ang hindi tamang paggamit ng PDAF na nakalaan sa mga proyektong dapat pondohan ng mga miyembro ng Senado at House of Representatives.
Ito aniya ang naging dahilan upang mabawasan ang tiwala ng mga mamamayan sa kasalukuyang administrasyon.
Sinabi pa ni Drilon sa kanyang resolusyon na upang matiyak sa publiko na seryoso ang gobyerno sa kagustuhan nito na magpatupad ng reporma at magkaroon ng fiscal transparency at accountability, dapat tuluyan ng i-abolish ang PDAF.
Naniniwala si Drilon na susuportahan ng mayorya ng mga senador ang kanyang resolusyon upang matapos na ang isyu tungkol sa paggamit ng PDAF.
- Latest