^

Police Metro

Habang nangangampanya Angelika dela Cruz, muntik masaksak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Habang nangangampanya ay tinangkang saksakin ng isang lalaki ang aktres na si Angelika Dela Cruz sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Si Angelika o Maria Lourdes Egger dela Cruz sa totoong buhay, 32-anyos ay  nagawang iligtas ng kanyang alistong tagasuporta mula sa kamay ng suspek na si  Pedro Becondado, ng Quirino St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Malabon City Police, nasa kasagsagan ng pangangampanya ang grupo ni Dela Cruz sa Maya-Maya Street, Brgy. Longos, na tumatakbong Chairwoman dakong alas-6 ng gabi nang pasimple siyang lapitan ng suspek.

 Masuwerte na alerto ang mga kasamahan ni Dela Cruz at maagap na naharang si Becondado.  Dito na kinuyog ng mga tagasuporta ni Dela Cruz ang suspek habang inilayo sa lugar ang aktres.

Bukod sa bugbog, nagtamo rin ng isang tama ng saksak sa katawan ang suspek na si Becondado na isinugod naman sa Tondo Medical Center.

 Patuloy ngayong inaalam ng pulisya ang motibo ng tangkang pananaksak ni Becondado kung saan inaalam din kung tagasuporta ito ng mga kalaban ni Dela Cruz sa darating na halalan.

vuukle comment

ANGELIKA DELA CRUZ

BECONDADO

DELA CRUZ

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MARIA LOURDES EGGER

MAYA-MAYA STREET

PEDRO BECONDADO

QUIRINO ST. TONDO

SI ANGELIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with