Sokor nagbigay ng US$.5-M sa quake victims/Zambo rehab
SEOUL, South Korea – Nagpaabot ng tulong pinansiyal ang gobyerno ng South Korea para sa mga naÂging biktima ng lindol sa Cebu at Bohol na nagkakahalaga ng US$300,000 bukod pa sa US$200,000 na ibinigay naman para sa rehabilitasyon ng Zamboanga City.
Ito ang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa isinagawang ‘coffee with media’ kamakalawa ng gabi sa Grand Hyatt Hotel sa Seoul sa tulong pinansiyal ng nasabing bansa.
Sinabi ng Pangulo na damang-dama nila ang pakikisimpatiya ng Korea na isang bagay na nakakapagpagaan ng loob matapos ang nangyaÂring trahedya sa Visayas region.
Inihayag din ng PaÂngulo na nakapa-warm ng kanilang pag-uusap ni South Korean President Park Geun-hye kahit pa ito pa lamang ang ikalawa nilang pagkikita at pag-uusap.
Samantala, inihayag kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Deputy Director Romeo FajarÂdo na umaabot na sa P563.66M ang pinsala ng 7.2 magnitude na lindol at kabilang sa nagtamo ng matinÂding pinsala ay mga imprastraktura tulad ng mga tulay, highway at mga pasilidad ng flood control partikular na sa Bohol at Cebu.
Sinabi ni Fajardo na ang Bohol ay nagtamo ng P546.01M pinsala habang ang Cebu ay P17.65M.
Sa kasalukuyan, hindi pa rin madaanan ang 21 tulay habang tatlo naman ang mahirap daanan sa Bohol, Cebu at Negros Oriental.
Nasa 2,938 namang kabahayan ang nawasak habang 16,371 ang nagtamo ng pinsala sa tinamong mga bitak habang nasa 12 sa kabuuang 47 bayan sa Bohol ang dumaranas pa rin ng kaÂwalan ng supply ng kurÂyente.
Iniulat naman ng lokal na pulisya na umaabot na sa 172 ang bilang ng mga nasawi, 160 dito ay sa lalawigan ng Bohol habang 375 ang nasugatan at 20 pa ang nawawala.
- Latest