^

Police Metro

P10M ni ‘P-Noy’ hinoldap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinangay ng tatlong holdaper ang P10M na pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na bahagi ng proyekto ni Pangulong Benigno Aquino III  para sa maralitang komunidad at mga biktima ng kalamidad kamakalawa sa Pagbilao, Quezon.

Sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali nang maganap sa Valmyns Eatery sa kahabaan ng Maharlika Highway, Sitio Polong Guiting, Brgy.Silangang Malicboy, Pagbilao ng lalawigan.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen hinggil sa naganap na pagnanakaw sa mga empleyado ng Philpost Regional Office sa San Pablo City na siyang may hawak ng nasabing halaga para sa 4Ps.

Nabatid na kasalukuyang kumakain  ng pananghalian sa nasabing restaurant ang mga empleyado ng Philpost sa pamumuno ng team lea­der na si Odith Jaurique Cadano, 53; Geraldine Fabila, 44; Patrick James Gesulga Putungan, 32 at Brian Dizon.

Matapos mananghalian ay bumalik na sa kanilang behikulo na isang Starex van (WFC 753) nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalakihan at magdeklara ng holdap.

Matapos na tutukan ng baril ng mga holdaper ay  puwersahang kinuha ang susi sa driver pero nagmatigas si Dizon kaya pinagbabaril ito ng ilang beses sa paa.

Isa sa mga suspek ang nag-komander sa behikulo at iniharang ito sa gitna ng daan  bunsod upang mag­kabuholbuhol ang daloy ng trapiko sa lugar kung saan mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang isang  bag  at kulay asul na sako na naglalaman ng P10M pondo sa 4Ps. 

Sumakay ng motorsiklo ang mga suspek na  mabilis na tumalilis sa lugar patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

BRIAN DIZON

GERALDINE FABILA

MAHARLIKA HIGHWAY

MATAPOS

NABATID

ODITH JAURIQUE CADANO

PAGBILAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with