^

Police Metro

Driver binoga sa ulo, dedo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang 22-anyos na tricycle driver nang  barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin, sa Parola, Compound, Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Andy Caicdoy, residente ng  #477 Area B, Gate 12, Parola Compound, Tondo, Maynila, na namatay sanhi ng balang tumama sa kanang bahagi ng ulo.

Sa ulat ni PO2 Michael  Marragun, ng Manila Police District-Homicide Section, bandang ala-1:00 ng hapon ng maganap ang insidente, malapit lamang sa bahay ng biktima.

Nabatid na katatapos lamang kumakain ng tanghalian ang biktima sa kaniyang bahay, kasama ang live-in partner na si Laurelyn nang bumalik ito sa kanyang tricycle para ituloy ang pamamasada nang salubungin ng suspek at barilin ng malapitan.

Sa nakuhang pahayag sa residenteng si Edeliza Evamsto, dalawang beses na binaril ang biktima at nang nakita ng suspek na nakahandusay na sa kalye ay mabilis na tumakas.

Nagsasagawa pa ng malalimang pagsisiyasat ang mga tauhan ng Manila Police para mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang salarin.

vuukle comment

ANDY CAICDOY

AREA B

EDELIZA EVAMSTO

LAURELYN

MANILA POLICE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARRAGUN

MAYNILA

NABATID

PAROLA COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with