Pamilya, 5 natupok sa sunog
MANILA, Philippines -Limang miyembro ng isang pamilÂya ang nasawi maÂtapos na makulong sa naÂsusunog nilang establisyemento sa bayan ng Claver, Surigao del Norte kamakailan.
Batay sa ulat, kahaÂpon lamang ng umaga naiulat ang insidente sa pulisya dahilan may kalayuan ang lugar na pinangyarihan ng sunog na naganap dakong alas-12:10 ng madaling-araw noong Lunes.
Ang mga biktima ay kiÂnilalang sina Glicerio Macalos, 73; misis nitong si Marites, 49; mga anak na sina Axel John, 11; Mitch, 7 at Angel, 5.
Batay sa ulat, naganap ang insidente sa isang lugar ng komersyo may ilang metro ang layo mula sa Taganito Mining Corporation sa bayan ng Claver.
Nabatid na ang paÂmilÂya ay nasa loob ng kaÂnilang auto shop supply nang magsimula ang sunog sa katabing boarding house.
Mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa tindahan ng pamilya Macalos at katabi nitong vulcaniÂzing shop na kung saan ay hindi nakalabas ang mga ito.
Sa inisyal na pagsuÂsuri ng mga arson investigator na faulty elecÂtriÂcal wiring sa loob ng boarding house ang piÂnagÂmulan ng sunog.
Tinatayang aabot sa P2.5M halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na tumagal hanggang nitong Lunes dakong alas-2:00 ng madaling-araw.
- Latest




















