^

Police Metro

3 dedo sa leptospirosis

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tatlong katao ang na­iulat na nasawi habang nasa 100 naman ang na­dala sa ospital matapos na magkasakit ng leptos­pirosis sa Olongapo City.

Kinilala ang mga na­sawing sina Frederick Pascua 20, ng Subic; Barry Mendoza, 23, ng Sta. Rita; Jesus Bautista, 56 ng Barangay Kababae.

Ayon kay Olongapo City Mayor Rolen Pau­lino, dalawang ling­go makalipas ang pinakama­pinsalang pagbaha sa lung­sod na ito dulot ng na­ganap na habagat na dala ng bagyong “Odette,” ay nagkasakit ng leptos­pirosis ang mga tao dito.

Ang leptospirosis ay isang uri ng bakterya na nag­mumula sa ihi ng mga daga at nakakapasok sa katawan ng tao sa pa­mamagitan ng mga su­gat kapag ang tao ay lu­mublob sa tubig-baha na kontaminado ng bakterya.

Ang sintomas ng taong may leptospirosis ay ang paghina at pagkonti ng ihi, pananakit ng balakang at kasu-kasuan, paninilaw o pamumula ng mata.

AYON

BARANGAY KABABAE

BARRY MENDOZA

FREDERICK PASCUA

JESUS BAUTISTA

KINILALA

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY MAYOR ROLEN PAU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with