Tandem strike again
MANILA, Philippines - Strike again ang grupo ng riding-in-tandem, kung saan ay isang pedicab driver ang kanilang pinagbabaril at agad na nasawi sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the spot ang biktimang si Arnesto San Juan, 32, taga Barangay San Roque, Navotas City.
Nagsasagawa pa ng follow-up ang mga pulis upang madakip ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa Naval Extension St., Barangay Baritan Malabon City.
Habang nakaupo ang biktima sa naturang lugar ay biglang dumating ang mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
Hindi pa batid ng pulisÂya ang motibo ng krimen.
- Latest