^

Police Metro

Nur Misuari tatakas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatakas umano pa­tu­ngo ng bansang Ma­lay­sia si Moro Natio­nal Libe­ration Front (MNLF) founder Nur Misuari, ang itinuturong mastermind sa Zam­boanga City siege.

Sa phone interview, sinabi ni 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Sulu Commander Col. Jose Johriel Cenabre, lahat ng mga lugar na posibleng daanan sa pagtakas ni Misuari ay mahigpit nilang binabantayan.

Ayon kay Cenabre, sa kanilang pinakahuling monitoring ay nagtatago si Misuari sa isang lugar sa Sulu na tumanggi muna nitong tukuyin kaugnay ng isinasagawang dragnet ope­rations ng security for­ces laban sa MNLF founder.

Ang hakbang ay kasunod naman ng ipinalabas na search warrant ng korte laban kay Misuari na sinampahan na ng kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 9851 o ang Crime Against International Humanitarian Law, genocide at iba pa.

Si Misuari ang itinutu­rong utak ng pagsalakay ng 5 Commander ng MN­LF sa pamumuno ni Ha­bier Malik na naglunsad ng siege sa anim na barangay malapit sa tabing dagat ng Zamboanga City noong Setyembre 9 kung saan ang krisis ay nagtagal ng 20 araw.

Nabatid pa na maging ang mga barko ng Philippine Navy ay mahigpit na ring ikinokordon ang ka­ragatan ng Sulu hanggang Tawi-Tawi upang mapigilan ang posibleng pagtakas ni Misuari na ginawa na nito matapos ang pag-atake sa Cabatangan Complex sa lungsod din ng  Zamboanga.

Ang Zamboanga City siege ay kumitil ng 24 buhay ng security forces habang 194 ang nasugatan, 12 ang patay sa sibilyan at nasa 192 namang MNLF fighters ang napaslang.

 

ANG ZAMBOANGA CITY

CABATANGAN COMPLEX

CRIME AGAINST INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW

JOINT TASK FORCE SULU COMMANDER COL

JOSE JOHRIEL CENABRE

MARINE BRIGADE

MISUARI

MORO NATIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with