^

Police Metro

10 lalaki na nagtapon ng patay nakunan ng CCTV

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nakunan ng CCTV ang may 10 kabataang lalaki na sakay ng apat na motorsiklo habang itinatapon ang isang kahon na naglalaman ng patay na tao sa kalye kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ang bangkay ng lalaki na nasa pagitan ng edad 40-45, may taas na 5’1”, payat ang pangangatawan, nakasuot ng t-shirt na itim at may tattoo na Agila sa likod, at Joy sa kaliwang dibdib at  may tatlong saksak ng ice pick sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling-araw nang matagpuan ng isang nangangalakal ng basura ang kahon na may nakausli na paa ng tao.

Ipinaalam ito sa mga barangay tanod at nang buksan ang kahon ay nakita ang nakabaluktot na bangkay ng lalaki na
napupuluputan ang mukha at kamay ng packaging tape at may busal pa ng tela sa bibig at markado umano ang leeg na pinaniniwalaang binigti.

Nagkataon na may CCTV sa lugar at nakita ang 10 kabataang lalaki na pawang magkaka-angkas sa apat na
motorsiklo na hindi nakita ang plaka sa CCTV na itinatapon ang bangkay.

vuukle comment

AGILA

BANGKAY

BATAY

CCTV

INILARAWAN

IPINAALAM

LALAKI

MAYNILA

NAGKATAON

NAKUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with