Chinese illegal workers sa Ph, iniimbestigahan
MANILA, Philippines - Nagsimula ng magsagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Immigration (BI) sa umano’y libu-libong Chinese nationals na iligal na nagtatrabaho bilang construction worÂkers sa Batangas at Bataan. Nangako si Immigration Officer-in-charge Siegfred Mison na sisiyasatin niya ang alegasyon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na may mga Tsino na nagtatrabaho ng walang kauÂkulang work permits at visas.
Inamin ni Mison na naalarma siya sa ulat ng TUCP na aniya’y isang serÂyosong usapin na nangangaÂilangan ng agarang tugon.
Sang-ayon din ang opisyal sa giit ng TUCP na ang pag-empleyo ng mga banyaga ay pag-agaw sa opurtunidad ng mga Pilipino na makapag-trabaho at iyon ay banta rin sa job security sa bansa.
Giit ni Mison, iligal sa mga dayuhan ang magtrabaho sa bansa ng walang Alien Employment Permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at employment visa mula sa BI.
- Latest