10 nawawala… 20 nilamon ng lupa sa zambales
MANILA, Philippines - Dalawampung katao ang nalibing nang buhay habang 10 pa ang nawawala sa magkakahiwalay ng landslide sanhi ng malalakas na pag-ulan kahapon ng umaga sa bayan ng San Marcelino at Subic, Zambales.
Batay sa ulat, apat katao mula sa pamilya Flores ang nasawi dakong alas-7:00 ng umaga sa Sitio Pawen, Brgy. Aglao, San Marcelino ang nareÂkober.
Habang 10 namang bangkay ay nahukay bandang alas-8:00 ng umaga Brgy. Cawag katabi ng Brgy. Wawandue at San Isidro, Subic at apat pa ang nawawala.
Isa naman ang malubhang nasugatang ang naiÂligtas sa lugar na kinilalang si Jojo Bacud na naputulan ng paa sa pagamutan.
Isang bangkay ang narekober sa Brgy. Malaybay habang 4 pa ang nawawala.
Nagdeklara naman si Subic Mayor Jefferson Khonghun ng state of calamity sa kanilang bayan dahilan marami ang mga lugar na apektado ng landslide kabilang ang bayan ng Castillejos.
Sinabi ni Khonghun na 5 bangkay ang narekober sa Brgy. San Isidro.
“Medyo isolated na kami dito sa Subic, Zambales kasi po sobrang taas na po ang baha ito. Bale lagpas-tao na ang baha sa kalsadaâ€, ayon kay Khonghun.
Sinabi pa ni Khonghun na maliban sa landslide ay naitala rin ang mataas na tubig baha sa kanilang bayan.
Nagpapatuloy naman ang search and rescue opeÂration ng tropa ng mga sundalo sa mga nawawala sa naturang lugar.
Nabatid na 77 pamilya o kabuuang 437 katao ang naapektuhan ng landslide na inilikas sa Olongapo City habang nasa 116 namang pamilya o kabuuang 261 katao sa Sta. Rita ng lalawigang ito.
- Latest