Zambo tutulungan ng mga solons na makabangon
MANILA, Philippines - Nagkasundo ang mga bagitong mambabatas sa Mababang Kapulungan na mag-ambagan sa pagbibigay tulong pinansiyal sa mga residente na apektado ng Zamboanga crisis.
Sinabi ni Marinduque Rep. Regina Reyes, malaÂking halaga ang kinakailangan para sa rehabilitasyon ng mga nasirang bahay, imprastraktura at kabuhayan sa Zamboanga City dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan roon.
Ayon kay Reyes lahat sila ay suportado ang inisyatibong ito ng mga lider ng Kamara para matulungan ang mga apektado nating kababayan na naipit sa kaguluhan sa paglagda ng isang House Resolution 303 na humihimok sa bawat kongresista na mag-ambag para sa financial assistance sa Zamboanga City.
Ang nasabing resolution ay iniakda nina House Speaker Feliciano Belmonte, House Majority Leader Neptali Gonzales II at Minority leader Ronaldo Zamora.
Sa ilalim nito, P10,000 ang ikakaltas sa isang buwang suweldo ng bawat isang mambabatas at dahil nasa 289 ang kasalukuyang miyembro ng Kamara at inaasahang aabot sa P2.89 milyon ang malilikom na halaga.
- Latest