^

Police Metro

Baliw sinumpong tinodas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala at namatay noon din ang isang 53-anyos na lalaking  may diperensya sa pag-iisip matapos itong pagbabarilin ng dalawang lalaki nang sumpungin na naman ng pagkabaliw kamakalwa sa Brgy. San Roque, Bislig City, Surigao del Sur. Ang nasawi ay nakilalang si Anañas Agbones, residente sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, bandang alas-2:00 ng madaling-araw noong Martes ay nagwala  na naman ang biktima matapos itong sumpungin ng kanyang sakit na kung saan ay nagsisigaw, nambabato ng kabahayan at nanakit ng makakasalubong na tao sa kanilang lugar.

Humingi ng tulong ang pamilya nito sa mga barangay opisyal na tulungan silang ikulong muna ang biktima sa isang make-shape confinement room.

Gayunman, habang nagwawala ang biktima ay dalawang hindi nakilalang lalaki na nagkukubli sa dilim ang bigla na lamang sumulpot at pinagbabaril ito.

vuukle comment

AGBONES

BATAY

BISLIG CITY

BRGY

GAYUNMAN

HUMINGI

SAN ROQUE

SURIGAO

TINADTAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with