Drilon kinontra ni Miriam
MANILA, Philippines - Ang sinasabi ni Senate President Franklin Drilon na probisyon ay wala sa Konstitusyon kung nasa Senate Rules lamang.
Ito ang sinabi ni Senator Miriam Defensor-Santiago kaugnay sa pag-suspendi ng mga miyembro ng Kongeso na sasampahan ng kaso sa ilalim ng 1991 Anti-Plunder Act.
Nauna nang sinabi ni Drilon na maari lamang ma-suspinde ang isang senador na mahaharap sa kasong plunder sa sandaling mahaÂtulan ito.
Ibinigay na halimabaÂwa ni Santiago ang Section 5 ng Anti-Plunder Act kung saan nakasaad na: “Suspension and Loss of Benefits.-Any public offiÂcer against whom any criminal prosecution under a valid information under this Act in whatever stage of execution and mode of participation, is pending in court, shall be suspended from office.â€
- Latest