^

Police Metro

Pintor niratrat, tigok

Ricky T. Tulipat at Jam Krisette Nuñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang pintor makaraang ratratin ng hindi pa nakilalang armadong suspek sa Brgy. Payatas, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Enrique Oriero, 36, may kinakasama, tubong Ilocos at residente ng #284 Ipil-Ipil St., Brgy. Payatas, sa lungsod.

Ayon kay PO3 Jaime De Jesus, may hawak sa kaso, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling araw sa #23 Ipil-Ipil St.

Ayon kay Angeline Zafra, natutulog umano sila ng kanyang pamilya nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at nang huminto ay lumabas siya ng bahay at doon nakita ang duguang biktima at wala ng buhay. Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa kinaganapan ng krimen ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril na ginamit sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

ANGELINE ZAFRA

AYON

BRGY

ENRIQUE ORIERO

ILOCOS

IPIL-IPIL ST.

JAIME DE JESUS

KINILALA

PAYATAS

QUEZON CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with