^

Police Metro

Tanod inakalang MNLF napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa engkuwentro ng mga sundalo ang isang barangay tanod matapos mapagkamalan na mi­yembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Roque, Zamboanga City.

Kinilala ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, ang nasa­wing barangay tanod na si Francisco “Jun” Macrohon, 52 ng San Roque dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa Western Mindanao Medical Center  ang  anak nitong si Archie Macrohon, 21.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa harapan ng Petron Gasoline Station sa Brgy. San Roque na kabilang sa lugar kung saan nakitang gumagala ang MNLF rogue elements.

Nabatid na nakatanggap ng report ang Task Force Zamboanga na may mga armadong MNLF breakaway group sa lugar kaya mabilis ang mga itong nagresponde.

Sa gitna na rin ng ma­na­kanakang pagpapaputok ng MNLF sa lugar ay ek­saktong naispatan ng mga sundalo ang mag-ama na nakasuot na mistulang sa­sabak sa giyera habang bitbit pa ng matanda ang armas nito.

Isa umanong security guard na nasa lugar ang agad na pinaputukan ang mag-ama at nakiputok din ang Task Force Zamboanga ng militar kung saan nasapul ng ang matandang Macrohon na siya nitong ikinasawi.

 

vuukle comment

ARCHIE MACROHON

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

MACROHON

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PETRON GASOLINE STATION

POLICE REGIONAL OFFICE

SAN ROQUE

TASK FORCE ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with