^

Police Metro

Police asset tinodas ng miyembro ng drug syndicate

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang 53-anyos na lalaki na umano ay police asset ng pulisya matapos na barilin ng mga miyembro ng drug syndicate kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa likod at braso ay kinilalang si Sydney Binas, ng Calatagan St., Makati City. 

Pinaghananap naman ang mga itinuturong suspek na sina Reynaldo Arviso, 27, alyas “Junjun Bi­sugo” at isang alyas Bong.

Batay sa ulat, dakong alas-9:50 ng gabi nang maispatan ni Binas si Arviso sa may IPI Buendia Tower sa Gil Puyat Ave­nue, ng naturang lungsod at ibinulong sa kasamang si Michael Roxas, 43-an­yos, na kilalang tulak ng iligal na droga si Arviso na kanilang sinundan hanggang sa sumakay ito ng kotse na may plakang XPD-196 kasama ang isang lalaki at babae. 

Makaraan ang ilang saglit, sumulpot ang isang lalaki at pinagbabaril si Binas na nagawa pang ma­­kapasok sa loob ng gusali. 

Bago pa maisugod ni Roxas sa pagamutan ang kaibigan, sinabi umano nito sa kanya na kilala niya sa alyas na “Bong” na residente ng M. Dela Cruz St., Pasay, ang bumaril sa kanya at kasamahan ni Arviso sa pagbebenta ng ilegal na droga.

 

ARVISO

BINAS

BUENDIA TOWER

CALATAGAN ST.

DELA CRUZ ST.

GIL PUYAT AVE

JUNJUN BI

MAKATI CITY

MICHAEL ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with