^

Police Metro

Nahuli sa aktong nagtatalik... Kalaguyo ng misis, inutas ni mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang 18-anyos na mister ang kalaguyo ng kaniyang misis matapos nitong mahuli ang mga ito sa akto na nagse-sex kamakalawa sa Butuan City, Agusan del Norte.

Ang nasawi ay kinila­lang si Alemar Dayan-Dayan, 20-anyos, residente ng nasabing lungsod.

Ang suspek na pinag­hahanap ng mga otoridad ay nakilalang si Junel Mandahunog, naninirahan rin sa naturang siyu­dad.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay umuwi ng maaga ang suspek sa kanilang bahay sa Purok 8 Slaughter Area, Brgy. 18 Obrero, Butuan City upang sorpresahin ang kaniyang misis na iti­nago sa pa­ngalang Loida.

Sa halip na masorpresa ang misis sa dahan-dahan niyang pagpasok sa bahay ay siya ang nasorpresa nang marinig ang mga ungol ng misis.

Kung kaya’t sinilip niya ito sa siwang ng dingding at kitang-kita nito na nagse-sex ang dalawa.

Pansamantalang pini­gil ng nasabing mister ang matinding galit at nagtago muna ito sa labas ng kanilang bahay at hinintay na makatulog ang dalawa.

Nang makatulog ang magkalaguyo ay dito na pumasok sa kanilang silid ang galit na dinaluhong ng mister nang sunud-sunod na saksak ang biktima na bagaman nagawa pang maisugod sa MJ Santos Hospital ay nabigo ng maisalba ang buhay.

vuukle comment

AGUSAN

ALEMAR DAYAN-DAYAN

BATAY

BRGY

BUTUAN CITY

INATADO

JUNEL MANDAHUNOG

SANTOS HOSPITAL

SLAUGHTER AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with