^

Police Metro

DA, nagpapalaganap ng Organic Soya

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang hindi na umangkat sa ibang bansa, kaya nagpapalaganap ngayon ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) ng production ng Organic Soya sa bansa.

Nagsasagawa ng pagtuturo ang mga opisyal ng DA sa ibat-ibang grupo, individual at kooperatiba na nais magtanim at magparami ng ‘Wonder Crop Soya’ sa Pilipinas.

Si Rose Mary ‘Rosie’ Aquino ang isa sa inatasan ni Agriculture Sec. Proseco Alcala na manguna sa pagbibigay ng impormasyon at kaalaman sa ‘health and wellness’ na maibibigay ng soya sa isang tao, dahil pinakamayaman ito sa protina sa lahat ng uri ng halaman.

Nitong nakalipas na Sept. 3, 4 at 5 ay pinangunahan ni  Aquino ang pagbibigay ng libreng seminar sa Gapan Nueva Ecija at Magalang, Pampanga sa mga opisyal at miyembro Golden Beans and Grains Producers Coo­perative (GBGPC) na pinamumunuan ni Doktor Nilo Dela Cruz.

Si Prof. Thelma Estera, kasama si Cecil Antolin at Jay Neric ang siya namang nagturo sa paggawa ng soya milk at taho. Ang sapal nito ay ginawang soy burger, longasoy, soyshanghai at iba.

Itinuro naman ni Doktor Art Dayrit at Ramon Timbol ng DA Region 3 ang kahalagaan ng soya bilang pangunahing sangkap sa ‘feeds formulation’ habang si Willy Balatibat naman ay siyang nagturo sa GBGPC ng pagtatanim ng organic soya.

Base sa pag-aaral, nabatid na ang soya ay isang anti-cancer, anti-diabetic, anti-allergy, anti-hearth disease at iba pang sakit. Pampaliit din ng tiyan, pampaganda ng kutis at pampaputi ang soya dahil sa pagkakaroon nito ng mataas na omega 3 at vitamin E.

AGRICULTURE SEC

AQUINO

CECIL ANTOLIN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DOKTOR ART DAYRIT

DOKTOR NILO DELA CRUZ

GAPAN NUEVA ECIJA

GOLDEN BEANS AND GRAINS PRODUCERS COO

SOYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with