De Lima nag-leak ng warrant ni Napoles
MANILA, Philippines -Deretsahang itinuro ni Atty. Lorna Kapunan na si Justice Secretary Leila De Lima ang siyang nag-leak ng warrant of arrest at resoÂlusyon na may freeze order na ang mga bank accounts ng kliyenteng niyang si Janet Lim Napoles.
Ayon pa kay Kapunan na may mga mahistrado rin ng Court of Appeals ang nagbunyag na dapat siyang sisihin bagamat hiniling ng mga mahistrado na huwag ibunyag ang kanilang
pagÂkakakilanlan.
Inakusahan nila si De Lima na agad nag-release ng balita sa media kaugnay sa resolution ng pagpayag ng CA sa hiling ng
Anti-Money Laundering Council (AMLC) na mai-freeze ang assets ni Napoles, sa halip na confidential..
Ang nasabing resolution ng CA 2nd Division ay ipinalabas noong Agosto 16 ay agad namang naipaÂmahagi na ni De Lima ang kopya sa mga reporter.
MaÂari umanong mai-cite for contempt si De Lima alinsunod sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) law dahil sa pagli-leak ng
nasabing impormasyon.
- Latest