^

Police Metro

Napoles mangumpisal ka na! - Obispo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dapat na umanong mangumpisal si Janet Lim Napoles, ang  utak sa P10 bilyong pork barel scam at isiwalat na ang totoo at kung sinu sino pang  sangkot  sa nasabing  kontrobersiya.

Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, sa sandaling malaman ang katotohanan ay maaari nang ibalik ang pera ng bayan na  kinamkam nito mula sa masamang paraan.

Aniya, maraming Pinoy ang naghihikahos at na­nga­ngailangan ngayon ng agarang tulong.

Sinabi pa ng Obispo, napapanahon na para ikum­pisal ni  Napoles ang kanyang mga kasalanan  at  ilantad ang mga dapat na managot sa naturang katiwalian.

Si Napoles ay hawak na ngayon ng mga awtoridad matapos na sumuko kay Pangulong Noynoy Aquino noong Miyerkules, ikinulong sa Makati City Jail at anumang oras ay ililipat sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

vuukle comment

ANIYA

AYON

FORT STO

JANET LIM NAPOLES

MAKATI CITY JAIL

MARBEL BISHOP DINUALDO GUTIERREZ

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SI NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with