^

Police Metro

Bukod kina Enrile, Revilla, Estrada at Honasan… 2 pang senador sangkot din sa pork scam

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Commission on Audit COA) Chairperson Grace Pulido-Tan sa pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee na may dalawa pang senador na hindi muna pinangalanan ang sangkot din P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) na kilala rin sa tawag na pork barrel fund sa mga ghost projects ng mga pekeng non-government organizations (NGOs).

Mismong si Tan ang nagsabi sa komite na may dalawa pang senador bukod kina Gregorio Honasan, P14.55 milyon; Jinggoy Estrada, P262.575 milyon, Juan Ponce Enrile P332.7 milyon, at Ramon Bong Revilla Jr., P483.49 milyon na umano ay naglagay din ng pondo sa pekeng NGOs na nauna nang itinanggi ng apat na mayroon silang kaugnayan kay Napoles.

Lumabas din sa pagdinig na mahigit sa P1 bilyong pork barrel funds ng apat na senador ang nailagay sa pitong NGOs na may kaugnayan kay Napoles mula 2007 hanggang 2009.

Kabilang umano sa mga NGOs na may kaugnayan kay Napoles ang mga sumusunod: Agri and Economic Program for Farmers Foundation, Inc. (AEPFFI); Ag­riculture Para sa Magbubukid Foundation, Inc. (APMFI); Countrywide Agri and Rural Economic Development (CARED) Foundation Inc.; Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, Inc. (MAMFI); People’s Organization for Progress and Development Foundation Inc. (POPDFI); Philippine Social Development Foundation Inc. (PSDFI); at Social Development Program for Farmers Foundation, Inc. (SDPFFI).

AGRI AND ECONOMIC PROGRAM

CHAIRPERSON GRACE PULIDO-TAN

COUNTRYWIDE AGRI AND RURAL ECONOMIC DEVELOPMENT

FARMERS FOUNDATION

FOUNDATION

FOUNDATION INC

GREGORIO HONASAN

INC

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with