^

Police Metro

Kada 2 oras may 8 kaso ng HIV… pakikipag-sex ng lalaki sa kabaro lumobo

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -Bigyang prayoridad ang pagresolba sa tumataas na kaso ng HIV-AIDS sa bansa partikular na ang pakiki­pagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.

Ito ang hiniling ng pamunuan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP)  sa lahat ng local government units (LGUs).

Inihayag ni Gerard Seno, executive vice president ng  Associated Labor Unions-TUCP na malaki ang gagampanang papel ng  mga local pamahalaan sa pagkalat ng AIDS-HIV lalo na sa mga kabataan sa buong bansa sa pamamagitan nang paglalaan ng pondo, paggawa ng mga batas at pag-aalaga sa mga constituent na mayroon nang nasabing sakit.

Sa isang pag-aaral na ginawa ng Philippine National Aids Council (PNAC) at batay sa  Department of Health (DOH) na may isang Filipino ang infected ng  AIDS kada dalawang oras o 8 kaso ng HIV sa loob ng 10 araw partikular sa mga kalalakihan na nakikipag-sex sa kapwa lalaki na karamihan ay may edad 15 hanggang 34-anyos.

Binigyang diin nito na kapag nagpatuloy ang pagdami ng pagkakaroon ng naturang sakit, higit pa sa  3,338 kaso noong nakaraang taon ang maitatala sa bansa.

ASSOCIATED LABOR UNIONS

BIGYANG

BINIGYANG

DEPARTMENT OF HEALTH

GERARD SENO

INIHAYAG

PHILIPPINE NATIONAL AIDS COUNCIL

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with