^

Police Metro

3 college student na nalunod sa Cavite narekober sa Laguna

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Narekober na ang bangkay ng tatlong estudyante ng Adventist University of the Philippines (AUP) na nalunod sa trahedya sa camping sa Cavite matapos na anurin ng agos hanggang mapadpad sa San  Cristobal Lake, Brgy. Looc, Calamba City, Laguna kamakalawa ng umaga.

Unang natagpuan ang dalawang biktima na sina Kimberly Kardias, 19 at Katherine Taroquin, 21; pawang nanunuluyan sa AUP Dormitory sa Silang, Cavite dakong alas-9:00 ng umaga sa nasabing lawa ng mangingisdang si Ernesto Manguiat, 57, ng Brgy. Looc ng lungsod.

Positibong kinilala ang mga biktima ni Mr. Rogelio Barit, Assistant Security Supervisor ng AUP.

Sumunod namang natagpuan ang bangkay ng isa pa na si Alfey Saberon, 16, habang inaanod ng malakas na agos sa San Cristobal River, Brgy. San Cristobal ng lungsod na ito dakong alas-10:30 ng umaga.

Nabatid na ang mga biktima ay kasama sa grupo ng mga estudyante na nagkakasayahan sa camping sa ilog sa Silang, Cavite nang biglang tumaas ang tubig at tangayin ang mga ito ng malakas na agos noong Agosto 25.

 

vuukle comment

ADVENTIST UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

ALFEY SABERON

ASSISTANT SECURITY SUPERVISOR

BRGY

CALAMBA CITY

CAVITE

CRISTOBAL LAKE

ERNESTO MANGUIAT

KATHERINE TAROQUIN

KIMBERLY KARDIAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with