Pagbuwag sa ‘pork’ nasa kamay ng lawmakers
MANILA, Philippines -Wala sa kamay ni PaÂngulong Benigno Aquino III ang pagbuwag sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ang ‘pork’ barrel at burahin sa budget kundi ito ay nasa kamay mismo ng mga mambabatas.
Ayon kay dating Albay Rep. Edcel Lagman na naging chairman ng House Appropriations Committee, ang alokasyon ng PDAF ay kasamang naÂgiging batas ng General Appropriations Act (GAA) kapag pinagtibay na ito ng mga kongresista at mga senador.
Tanging ang Malakanyang lamang umano ang nagsasama ng PDAF sa budget na isinusumite sa Kamara kada taon at kahit pa bawiin ng pangulo ang alokasyon ng PDAF sa ilalim ng budget ay kaya pa din itong ibalik ng mga mambabatas kung talaÂgang ayaw itong alisin.
Maaari naman umaÂnong i-veto ng pangulo ang PDAF kahit pa pagÂtibayin ito ng mga mambaÂbatas, subalit mas mabuti na umano kung ang mga kongresista at senador na ang magkusa na alisin ito para wala na rin ibi-veto ang Pangulong Aquino.
- Latest