Ikinairita ang pagtsismis sa nobya… tsismoso kinatay ng obrero
MANILA, Philippines - Karumaldumal ang naging pagpatay sa isang 24-anyos na obrero na matapos ataduhin ng itak ay inilagay ito sa sako bago itinapon sa isang masukal na lugar ng kasama nito sa trabaho na labis nairita sa umanoy pagkaÂkalat ng kasiraan ng nobya sa kanya naganap sa Bunawan, Agusan del Sur kamakalawa.
Ang biktima ay kinilalang si Joseph Parcon Suay, ng San Francisco ng nasabing lalawigan na ang bangkay ay natagpuan sa masukal na bahagi ng isang palm plantation.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Benjover Sarate na matapos itong tumakas pagkaraang mapatay sa taga ang biktima sa tindi ng galit nito.
Batay sa ulat, bandang alas-10:45 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ang umaaliÂngasaw at nagsisimula ng maagnas na bangkay ng biktima.
Lumantad naman maÂtapos makonsensya ang testigong si Ronel Martinez at itinuro ang kasamahang obrero at ang nasa likod ng krimen na si Sarate.
Sa salaysay ni Martinez, naganap ang krimen noong nakalipas na linggo kung saan napilitan siyang manahimik sa matinding takot na buweltahan siya ng suspek matapos siyang pagbantaan.
Gayunman, nang maÂdiskubre ang bangkay ng kasamahang obrero kamakalawa at bunsod ng pagsigaw ng hustisya ng pamilya nito ay napilitan ng lumantad si Martinez na inihayag ang nalalaman niya sa krimen.
Sa pahayag ni Martinez, nag-ugat umano ang krimen matapos ipagkalat ng biktima sa suspek na ang kanyang nobya ay hindi na birhen na ikinaÂgalit ng suspek kung kaya’t sinuntok ang biktima, suÂbalit kinagabihan ay pinagtataga ito at nang mapatay ay isinako ang bangkay saka itinapon sa palm oil plantation na tinabunan pa ng mga damo sa Brgy. Consuelo, Bunawan, Agusan del Sur.
- Latest