30 gov’t websites na-hack ng anti-pork activist
MANILA, Philippines - Umaabot sa 30 government websites ang na-hack ng mga anti-pork hacktiÂvist na tinawag na Pinoy Vendetta.
Sa mensaheng ipinadala ng mga hacker sa websites ng National Historical Commission, National Telecommunications Commission, Komisyon sa Wikang Filipino, Municipality of Pikit, Optical Media Board, Autonomous Region in Muslim Mindanao, San Juan City, Talibon Bohol, Philippine Economic Zone Authority at Sugar Regulatory Administration na kumokondena sa sistema ng Presidential Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.
Kabilang sa mensaheng mababasa sa mga na-hack na website ang: We are Pinoy Vendetta. We Don’t Die, We Multiply. Abolish the Pork Barrel, Hitman, Greetz to Darknight and Soulja Girl.
May mensahe rin na ipinahatid kay Pangulong Aquino sa wikang Ingles na nagsasabing: IkinaluÂlugod namin na kayo ay tumuÂgon sa panawagan ng publiko na buwagin ang PDAF. Magkagayunman, ang alternatibong pakete
na nagpapahintulot pa rin sa mga Kongresista at Senador na tumukoy ng mga sponsored project na popondohan bilang line item sa annual budge ay nagbibigay daan pa rin para maabuso ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang kaban ng bayan.
Dahil dito, maliwanag umaÂno na nananatili pa rin ang pork barrel. NananaÂwagan sila kay Pangulong Aquino na tuluyan nang
buÂwaÂgin ang pork barrel sysÂtem at hayaan na lamang ang mga kongresista na magpasa ng mga batas. – Ludy Bermudo, Rudy Andal –
- Latest