^

Police Metro

Mister pinabulagta

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang mister nang pagbabarilin ito ng hindi pa kilalang suspek habang ang biktima ay papauwi ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Michael Gomez, 33,  ng Everlasting St., Barangay  Tangos ng naturang  lungsod.

Batay sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi, malapit sa bahay ng biktima.

Nabatid, na  naglalakad ang biktima ng biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril si Gomez hanggang sa bumulagta ito at tuluyang masawi.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek  habang dinala naman ang biktima sa ospital.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo ng krimen

 

vuukle comment

BATAY

BULAGTA

EVERLASTING ST.

GOMEZ

INAALAM

MATAPOS

MICHAEL GOMEZ

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with