Paslit nalibing nang buhay
MANILA, Philippines -Nalibing ng buhay ang apat na taong gulang na batang lalaki makaraang madaganan ng sako-sakong lupa o buhangin sa isang warehouse sa lungsod ng Quezon, kahapon ng umaga.
Ang biktima ay kinilaÂlang si Juzent Rain Badilla, residente ng Tagdalit St, Brgy. Manresa, Quezon City.
Ayon kay PO3 Jaimee De Jesus, may hawak sa kaso, natagpuan ang biktima ganap na alas-7:45 ng umaga sa loob ng Pacific Boysen Warehouse na matatagpuan sa #79 Tagdalit St. Brgy. Manresa.
Sinasabing nasa 50 sako ng silicon sand ang dumagan sa bata na may bigat na 2,500 kilos.
Bago ang insidente, ayon sa saksi na si Mark Anthony Agustin, factory worker ng nasabing warehouse, kukuha sana siya ng materyales sa loob nang matagpuan ang bata na wala ng buhay dahil sa matinding pagkakadagan ng sako-sakong buhangin.
Agad na ini-report ng saksi sa Police Station 1 ng QCPD ang nasabing insidente na agad naman nirespondehan.
Ayon kay De Jesus, hindi umano pinababantaÂyan ang nasabing warehouse dahil sa hindi naman ganon kahalaga ang mga materÂyales na nasa loob nito.
Isang dahilan umano kung bakit nakapasok ang bata sa bodega ay ang espasyo sa ilalim ng gate nito na mahigit isang talampakan ang taas kung saan ito posibleng dumaan.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima na nakikipaglaro sa ibang mga bata malapit sa bodega na posible umanong nagtago ito doon pero nabagsakan ng kamada ng sako-sakong lupa.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente. – Dagdag na ulat ni Jam Krisette Nuñez-trainee –
- Latest