^

Police Metro

Nalitratuhan habang nagtatalik… misis ipinahuli ng mister

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinaaresto ng isang mister sa mga otoridad ang kanyang misis at kalaguyo nito matapos niyang malitratuhan habang nagtatalik  ang mga ito kamakalawa ng gabi sa bahay ng lalaki sa Jala-Jala, Rizal.

Ang mga dinakip ay nakilalang sina alyas ‘Zeny’, 37, at Rommel Calumpang, 38, binata, elec­tronic technician at kapwa residente ng Barangay Bayugo, ng nasabing bayan matapos na ireklamo ng mister ni Zeny na si Jonathan Patambang, 36, security guard, at residente rin ng nasabing lugar.

Base sa ulat na natang­gap ni P/Senior Insp. Leo Gabrang, hepe ng Jala-Jala PNP, bago nahuli ni Jonathan ang magkalaguyo dakong alas-10:00 ng gabi na nagtatalik ay may nakapagsabi sa kanya na nagpunta ang misis nito sa isang birthday party hanggang sa ginabi at nagtungo sa bahay ni Calumpang.

Kaagad namang humi­ngi ng tulong sa pulisya si Patambang at pinuntahan ang bahay ni Calumpang kung saan ay nagawang makapasok ng hindi nala­laman ng dalawa.

Laking gulat ni Patam­bang nang makita umano ang asawa at si Calumpang na nagtatalik kaya agad na kinuha ang kanyang cell phone na may ca­mera at kinunan ang mga ito.

Nang kumislap ang flash ng camera ay saka lamang namalayan ng magkalaguyo na nandoon na ang mister ng misis.

Ang nakuha namang larawan sa cell phone ng mister ang gagamitin nitong ebidensiya laban sa magkalaguyo.

 

vuukle comment

BARANGAY BAYUGO

CALUMPANG

IPINAARESTO

JALA-JALA

JONATHAN PATAMBANG

LEO GABRANG

ROMMEL CALUMPANG

SENIOR INSP

ZENY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with