^

Police Metro

Binatilyo tinodas ng kainuman

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na bi­natilyo ang binaril at na­patay ng isa sa kanyang kainuman kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Mark Derly Lorbes, out-of-school youth, ng Block 5,  Lot 2, Sitio Da­mayan, Smokey Mountain, Tondo, Maynila.

Ang mga suspek na pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang sina alyas Ed­mond, 18, ng Block 1 ng nasabi ding lugar at alyas Jason at alyas Buboy.

Batay sa ulat, dakong  alas-8:15 ng gabi  ay kasamang nag-iinuman ng biktima ang tatlong suspek sa bahay ni Edmond.

Inutusan ng biktima ang nakababatang kapatid na si “Kenneth” na bumili ng ice tube sa tindahan at ilang sandali pa lamang ito nakakalayo ay naka­rinig na ito ng putok ng baril.

Kaya agad siyang bu­malik sa bahay ng sus­pek at nakita niyang duguan ang kuya na naka­handusay sa sahig at hindi na niya naabutan ang tatlong kainuman.

 

vuukle comment

BATAY

BUBOY

EDMOND

MARK DERLY LORBES

MAYNILA

SHY

SITIO DA

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with