^

Police Metro

Mga hinoldap sa bus hindi na nagreklamo sa pulis-Pasay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umano nag­hain pa ng reklamo ang mga pasahero na biktima ng panghoholdap sa Pasay City kahapon ng madaling-araw dahil sa wala umano silang tiwala na maibabalik pa ang kanilang mga gamit na tinangay ng mga suspek.

Sa salaysay ng bus driver na si Reynaldo Regane, 39 na dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang magdeklara ng isa sa apat na suspek na armado ng kalibre 45 baril holdap sa kanyang mga pasahero ng minamaneho niyang Malanday Metro Link Bus na may body number 888 habang tinatahak ang Roxas Boulevard tapat ng World Trade Center.

Matagumpay na nalimas ng tatlong mga kasamahan nito na pawang armado naman ng patalim ang mga mahahalagang gamit at pera ng mga pasahero saka bumaba sa kanto ng Libertad Street malapit sa Cuneta Astrodome.

Nakarating naman ang bus sa Airport Police Detachment sa Ninoy Aquino International Airport na nagpayo na lamang sa kanila na dumulog sa Pasay City Police headquar­ters.

vuukle comment

AIRPORT POLICE DETACHMENT

CUNETA ASTRODOME

LIBERTAD STREET

MALANDAY METRO LINK BUS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

REYNALDO REGANE

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with