^

Police Metro

16 barangay sa Maguindanao, North Cotabato lumubog sa baha

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigit  30,000 residente ang inilikas matapos na lumubog sa baha ang 16 barangay sa lalawigan ng Maguindanao at North Cotabato sanhi ng pag-apaw ng Liguasan Marshland dahil sa patuloy na mga pag-ulan sa loob ng nakalipas na tatlong araw.

Ang mga pag-ulan ay sanhi ng Intertropical Convergence Zone na nararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao Region na na­ging sanhi rin ng pag-apaw ng Rio Grande River.

Kabilang naman sa mga mababang lugar na apektado ng mga pagbaha ay ang mga barangay sa Northern Kabuntalan, Kabuntalan Mother, Sultan Kudarat, Datu Piang, Talayan, Guindulungan, Datu Saudi, Datu Anggal, Datu Odin Sinsuat, Pagalungan at Datu Montawal pawang sa  Maguindanao .

Samantalang sa North Cotabato ay ang ilang mga barangay naman sa mga bayan ng  Pigcawayan, Libungan, Midsayap, Aleosan at Pikit na malapit sa marshland.

Sa Cotabato City nasa 25 hanggang 37 barangay naman ang lubog sa baha umpisa pa kamakalawa kung saan nasa 20,000 residente naman ang inilikas.

Sa lalawigan ng Maguindanao ay nasa 5,000 pamilya ang inilikas habang nasa 4,000 naman sa iba pang lugar sa North Cotabato. 

 

vuukle comment

DATU ANGGAL

DATU MONTAWAL

DATU ODIN SINSUAT

DATU PIANG

DATU SAUDI

INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE

KABUNTALAN MOTHER

MAGUINDANAO

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with