Kalahating milyon tinangay ng messenger
MANILA, Philippines - Hindi na bumalik sa kanyang opisina ang isang messenger matapos na utusan na i-withdraw ang P542,000 sa isang bangko sa Pasig City, kamakalawa.
Ang suspek na pinagÂhahanap ngayon ng mga otoridad ay kinilalang si Rodel Garate, nasa hustong gulang, at residente ng 9 Sta. Maria St., Barangay Kapitolyo,
Pasig City.
Ang suspek ay iniÂrekÂlamo nang pagnanaÂkaw ng ARRHA ExportaÂtion Inc. na matatagÂpuan sa 15th Floor, One San Miguel BuilÂding, Ortigas Center, Pasig City, na kinakataÂwan ni Juvy Ilag, 33, acÂÂcountant officer ng naÂturang kumpanya.
Batay sa salaysay ni Ilag, dakong alas-11:30 ng umaga noong Hulyo 25 nang utusan niya ang suspek na mag-withdraw ng P542,000 na pera ng kanilang kumpanya mula sa BPI Ortigas Branch, na hindi kaÂlayuan sa kanilang opisina.
Matapos na makapag-withdraw ay hindi na umano nagpakita pa ang suspek at hindi na rin umano ito umuwi sa bahay na kanyang tinutuluyan kaya’t malaki ang hinaÂla na tinangay ang saÂlaÂpi.
Maging ang cell phone ng suspek ay hindi na rin umano maÂÂkontak kaya’t nagÂÂÂpasya ang mga may-ari ng ARRHA na sampahan na si Garate ng kaso.
- Latest