^

Police Metro

4 top leader ng NPA sumuko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na mataas na opis­yal ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa tropa ng militar sa lalawigan ng Capiz.

Kinilala ni Army’s 3rd Infantry Division (ID) Commander Brig.Gen. Aurelio Baladad ang mga nagsisuko na sina Ka Hassim, Vice Commanding Officer ng Igabon Platoon, Central Front, Komiteng Rehiyonal-Panay; Ka Inday, misis ni Ka Hassim, Medical Officer ng nasabing unit na kung  saan ay nakuha mula sa mag-asawa ang isang granada at isang rifle grenade; Ka Terso, Political officer ng Igabon Platoon, Central Front at isang alyas Ka Allan, Squad Leader ng nasabi ring unit ng NPA rebels sa Panay.

Isinuko nina Ka Allan at Ka Terso kapwa may siyam na taong kasapi ng NPA,  ang isang hand grenade, isang cal. 38 revolver, anim na bala, isang cal.357 revolver  na may tatlong bala.

Nagsisuko ang naturang mga lider ng mga rebelde ma­tapos na mapagtantong mali ang ideolohiyang ka­nilang ipi­naglalaban.

vuukle comment

AURELIO BALADAD

CENTRAL FRONT

COMMANDER BRIG

IGABON PLATOON

INFANTRY DIVISION

KA ALLAN

KA HASSIM

KA INDAY

KA TERSO

KOMITENG REHIYONAL-PANAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with