^

Police Metro

Pagpatay ng 2 pulis sa 2 lider ng Ozamis Gang planado

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang opisyal na pulisya ang natukoy na responsable sa pagbaril at pagpatay sa dalawang lider ng Ozamis gang na sina Ricky Cadavero alyas Kambal at Wilfredo Panogalinga alyas Kulot.

Ito ang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at sasampahan ng kasong murder sa San Pedro Prosecutors Office sa Laguna ang mga pulis na sina Sr. Inspector Manuel Magat at Inspector Efren Oco dahil sa sadya ang pagpatay kina Cadavero at Panogalinga sa San Pedro, Laguna noong Hulyo 15 ng gabi.

“Batay sa mga pahayag ng mga saksi at sa mga nakalap na ebidensya malinaw na ang nangyaring pagpaslang kina Cadavero at Panoga­linga ay planado at ginawa ng ilang kapulisan”, ayon kay Roxas.

“ Planado dahil may naka-ready na silang kuwento, eh binaril na muna pala sa loob pa lang ng behikulo bago yung putok sa labas ng sasakyan, nagpalit pa ng barrel dun sa firearm”, paliwanag pa ni Roxas.

Kinasuhan naman ng paglabag sa Article 183 ng Saligang Batas o  perjury sina Sr. Inspector Joseph Ortega, SPO1 Jayson Semacas, SPO1 Genaro de Gala, PO3’s Marvin Mejia, Ramil Gonzales, Sherwin Bulan, PO2’s Eduardo Cruz, Kristofferson Reyes, Exiel Reyes, Conrado Bautista Jr at PO1 Ryan Rey Gado.

Naharap naman sa ka­song obstruction in the pro­se­cution of a criminal offender (PD1829) sina Supt. Danilo Mendoza, Sr. Inspectors Manuel Magat, Fernando Cardonia, Inspector Efren Oco, SPO1’s Joseph Ortega, Jayson Semacas, Genardo de Gala; PO3’s Marvin Mejia, Ramil Gonzales, Sherwin Bulan, Gerardo Tugot; PO2’s Eduardo Cruz, Kristofferson Reyes, Exiel Reyes, Conrado Bautista Jr. at PO1 Ryan Ray Gado.

 Si Mendoza, ang namuno sa team leader ng CALABARZON  Regional Special Operations Group (RSOG) na nag-escort kina Cadavero at Panogalinga.

Base sa imbestigasyon ng Task Force, nagkaroon ng cover-up sa pagkamatay nina Cadavero at Panoga­linga matapos na palitawin na tinangka ng mga itong mang-agaw ng armas nang ambushin upang itakas umano ng mga miyembro ng Ozamis robbery gang.

Hindi rin aniya totoo na may motorsiklong bumuntot sa convoy kung saan nakasakay ang dalawang lider ng Ozamis robbery gang na inamin rin ng mga pulis na sangkot sa kaso.

Ang dalawang lider ng Ozamis robbery gang ay nasakote sa Dasmariñas City, Cavite noong Hulyo 12 at iprinisinta sa Camp Crame noong Hulyo 15 bago magtanghali  o may ilang oras bago ang mga ito napatay.

CADAVERO

EDUARDO CRUZ

EXIEL REYES

HULYO

INSPECTOR EFREN OCO

JAYSON SEMACAS

KRISTOFFERSON REYES

MARVIN MEJIA

OZAMIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with