^

Police Metro

Hinatulan ng life sentence… Killer ng reporter

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Hinatulang kahapon ng habambuhay ng pagkaka­bilanggo ang isa mga akusado sa pagbaril at pagpatay isang reporter sa Caloocan City, may pitong taon na ang nakalilipas.

Base sa  25 pahinang desisyon ni Judge Eleonor Kwong,  ng Caloocan City  Regional Trial Court Branch 128,  napatunayan na  ang akusadong si  Rommel Lirasan, ng Dasmariñas, Cavite ay  siyang responsable sa pagpatay sa biktimang si Alberto Orsolino, reporter ng pahayagang Saksi.

Base sa record ng korte, nakasakay si Orsolino sa kanyang kotse, dakong alas-10:00 ng umaga noong Mayo 16, 2006 nang maisipan nitong magkarga ng gasolina sa Hannibal Gasoline Station sa Letre, Caloocan City.

Bubuksan pa lamang ng biktima ang pinto ng kanyang sasakyan nang barilin ito sa tagiliran ng kasama ni Lirasan na kapwa lulan sa isang motorsiklo bago tumakas.

Ilang traffic enforcer naman ang nakapansin sa insidente na naging dahilan upang habulin ang mga akusado  hanggang iwan ng mga ito  ang ginamit na motorsiklo.

Sa pag-iimbestiga ng mga pulis, nalaman na ang motorsiklo ay pag-aari ni Lirasan at nang malaman nito  na pinaghahanap na siya ng mga pulis  ay minabuting sumuko hanggang  sa mabasahan ng sakdal.

ALBERTO ORSOLINO

CALOOCAN CITY

HANNIBAL GASOLINE STATION

JUDGE ELEONOR KWONG

LIRASAN

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ROMMEL LIRASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with