^

Police Metro

Senior Citizens partylist makakaupo na sa Kongreso

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Maaari na ring ma­kaupo at magkaroon ng representasyon sa Kongreso ang Senior Citizens partylist matapos na ilabas ng mga mahistrado  ang desisyon ng Korte Supre­ma sa isinagawang en banc session para baliktarin ang ipinatupad na disqualification ng Commission on Elections (Comelec) kontra sa nabanggit na grupo.

Sa botong 13-2, idinek­lara ng SC na ilegal ang ginawang pag-disqualify ng Comelec sa nasabing party­list group dahil hindi naman naipatupad ang kasunduan o wala namang nangyaring term sharing sa pagitan ng mga nominado ng nasabing grupo.

Ipinag-utos din ng Korte Suprema ang pag­laan ng dalawang puwesto para sa nasabing partylist group na pasok sa 10 nangungunang grupo na nakakuha ng pinakamataas na boto sa nakaraang halalan.

COMELEC

GRUPO

IPINAG

KONGRESO

KORTE SUPRE

KORTE SUPREMA

MAAARI

SENIOR CITIZENS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with