^

Police Metro

Kagawad inutas ni Tserman… Birthday, death day

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad na  nagdiriwang ng kanyang ika-61 kaarawan ang pinagbabaril ng kanilang barangay chairman matapos ang mainitan nilang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Tulunan, North Cotabato.

Nasawi noon din ang biktima na nakila­lang si Federico Supat, dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Ang suspek na kusang loob na sumuko sa pulisya ay kinilalang si Gilberto Espelita, Chairman sa Brgy. Damawato ng bayang ito.

Batay sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen sa bahay ng biktima dakong alas-7:00 ng gabi ay nagdaos pa ng regular na pagpupulong sa barangay hall ang mga barangay officials.

Pagkatapos ang pagpupulong ay inimbitahan ng biktima ang kaniyang mga kasamahan at si Espelita sa munting inuman at salu-salo dahil sa kanyang kaarawan.

Matapos na mala­sing ay nagkaroon ng pagta­talo sa pagitan nina Supat at Espelita hanggang sa galit na lumisan ang huli at  umuwi sa kanilang bahay.

Subalit, bumalik ang suspek na armado ng baril at  pinaputok sa ere.

Pagkatapos ay sinunod nitong binaril ang biktima na ti­na­maan sa dibdib na siya nitong dagliang ikinamatay.

Matapos na mapatay ng suspek ang biktima ay kusang loob itong sumuko sa pulisya.

Isa sa motibo na iniimbestigahan ng mga otoridad ay anggulo na may kinalaman ito sa nalalapit ng barangay elections sa Oktubre.

BATAY

BRGY

DAMAWATO

ESPELITA

FEDERICO SUPAT

GILBERTO ESPELITA

MATAPOS

NORTH COTABATO

PAGKATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with