2 Water firms hindi dapat sisihin sa water rate
MANILA, Philippine s- Hindi dapat anya isisi sa Maynilad at Manila Water ang akusasyon ng over charging sa water rate.
Ito ang sinabi ng corpoÂrate lawyer ng dalawang water firms na si Atty. Argee Guevarra at kinuwestyon ang motibo ng grupo na nagsusulong para ipawalang bisa ang kasunduang pinasok ng dalawang pribadong kumpanya at ng gobyerno.
Ayon pa kay Atty. Guevarra na masyado pang maaga para sabihin na isa nang “water scam†ang nasabing kontroÂbersya dahil sa hinalang may ibang grupo ang nagnanais na magpatakbo at kumuha ng natuÂrang water concession business at wala din dahilan para ipawalang bisa ang concession agreement matapos maÂpaÂunlad ang serbisyo ng tubig sa bansa.
Hinamon din nito ang mga kritiko ng concession agreement na magpaÂkita ng lehitimong interest ng Filipino consumers upang irespeto ang kasunduang pinasok ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at nang kanyang dalawang concessionaires o harapin ang mga ito sa korte.
Sinabi pa ni Guevarra na sa ilalim ng kasunduan ang dalawang water firms ay may legalidad para respeÂtuhin ang obligasyon tulad ng nakasaad sa MWSS board.
- Latest