^

Police Metro

Riles ginawang higaan, senglot lasog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang 32-anyos na obrero ang nagkalasug-la­sog ang katawan nang masagasaan ng tren matapos na makatulog sa riles sa sobrang kalasi­ngan kahapon ng umaga sa Makati City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Rolando Diaz, tubong Cabuyao, Laguna at naninirahan sa Arnaiz St., Makati City.

Inaalam pa ng mga otoridad ang operator ng PNR na nakasagasa sa biktima.

Batay sa ulat, maaaring nakatulog ang biktima sa sobrang kalasingan matapos na mag-umpisang mag-inuman dakong alas-11:00 ng gabi sa kanyang kasamahan sa trabaho.

Pasado alas-7:00 na nang umaga nang madis­kubre ang bangkay ng bik­tima.

Ayon naman sa isang tindero sa lugar, tinangka niyang gisingin si Diaz nang makitang parating na ang tren ngunit tila tulog-mantika ito at hindi nagising kaya’t nasaga­saan.

 

vuukle comment

ARNAIZ ST.

AYON

BATAY

CABUYAO

DIAZ

INAALAM

ISANG

MAKATI CITY

ROLANDO DIAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with